Search
  • BULGAR

Para raw sa bayan… BEAUTY, NAG-PULIS NA, PROUD NA IDINISPLEY ANG BARIL

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 28, 2020




Kung ang karamihan sa ating mga celebrities ay nagsu-sundalo, ang seksing aktres na si Beauty Gonzalez naman ay nag-pulis.


Nag-post si Beauty ng picture niya na nakasuot ng all-black police gear at may hawak na baril at akala namin, para lang ito sa teleserye niya.


Caption ng aktres, "Don’t Tread On Me (snake symbol) Weapons and tactics training with the Men and Women of the Police Special Operations Unit, Aviation Security Group."

Dagdag pa niya, "Not for a show, not to train for a show, but to serve, in any possible way I can, when called upon."


Ayon pa sa aktres, lehitimo ang pagsailalim niya sa training ng special operations unit ng Philippine National Police-Aviation Security Group. Handa raw siyang tumulong at lumaban para sa bayan kung kinakailangan.


Pero sa comments section ng socmed ng aktres, napansin ng isang netizen na nagte-training si Beauty pero bakit daw pose na pose siya at perfect ang pagkakahawak sa baril gayung bago pa lang naman siyang nagte-training?


Kumbaga, may duda ang netizen kung totoo nga bang nasa training ground ng Aviation Security Group ang bida ng Kadenang Ginto.


Komento nito, "I wonder if regular citizen undergoing the same training can strike a pose as such."


Depensa naman ni Beauty, "It’s actually not a pose but part of a drill.


"The Photographer just happened to be at the right place at the right time to get this interesting shot."


Mukha namang nagsasabi nang totoo si Beauty dahil may ipinost din siyang piktyur na kuha sa kainitan ng araw kung saan balot na balot siya ng uniform at kasama ang iba pang mga nagte-training.


Caption niya: "Call Of Duty PH S.O.U Aviation Security Group."

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.