Search
  • BULGAR

Para lang dumami ang views ng vlog at magkadatung… BARBIE, HINAMON NI JAK NG HIWALAYAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 14, 2020




Grabe ang naging reaction ng mga fans sa latest vlog na ginawa ng Kapuso actor na si Jak Roberto kasama ang GF niyang si Barbie Forteza.


Isang seryosong Jak ang nag-emote sa mga pagkukulang ng nobya. Kapag daw nasa teyping si Barbie ay hindi ito nakakaalala man lang na tawagan-kumustahin siya.


Naglabas din ng kanyang sentimyento si Barbie at nanumbat na rin. Kapag tinatawagan daw niya si Jak ay ang dami-dami nitong ginagawa at hindi sila makapag-usap nang maayos. Hanggang sa nauwi nga ang usapan sa mainitang pagtatalo ng mag-BF.


Naiyak pa si Jak nang tanungin si Barbie kung gusto ba nito na mag-cool-off muna sila o maghiwalay na nang tuluyan.


Pero nang mahalata ni Barbie na nakabukas ang camera na ginagamit ni Jak sa pagba-vlog, natunugan na niyang isa na naman itong prank ng nobyo. Madalas na i-prank ni Jak si Barbie na napaiyak na rin niya minsan.


Kuwela naman sa mga netizens ang mga vlogs ni Jak Roberto. Kaya marami na siyang views at subscribers ngayon.


Pakiusap lang ng kanilang fans, 'wag naman sanang tungkol sa breakup ang gawing vlog. Ayaw ng mga tagahanga na maghiwalay sila ni Barbie. Three years na ang kanilang relasyon. Sayang naman kung mauuwi lang sa paghihiwalay.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.