Search
  • BULGAR

Pang-aabuso sa mga manggagawa sa gitna ng pandemya, bantayan!

@Editorial | June 24, 2020



Hindi pagpapasuweldo ng dalawa hanggang tatlong buwan, kawalan ng separation benefits sa mga inalis sa trabaho, extended working hours, hindi pagbabayad sa kuryente at internet sa mga nasa work from home.


Meron ding mga nakatengga ang empleyado pero, buking na nagha-hire ang kumpanya.


Ilan lamang ito sa mga inirereklamo ng mga manggagawa sa ilalim ng ipinatutupad na flexible work arrangements sa gitna ng pandemya.


Kaugnay nito, may apela na sa Department of Labor and Employment (DOLE) para imbestigahan ang mga kasong ito. Ang mga ito ay malinaw na pang-aabuso sa mga manggagawa.


Una sa lahat, dapat ay tiyakin muna sana na magkaroon ng konsultasyon sa mga kawani bago magbalik-operasyon.


Nauunawaan nating apektado rin ang mga employer at kailangan din nilang makabawi mula sa ilang buwang pagkalugi subalit, kasabay nito ay ang pagiging patas pa rin sa mga empleyado. Kung mabuti ang amo, mula umpisa ay wala naman sigurong dahilan ang manggagawa para hindi rin sila unawain lalo sa ganitong sitwasyon.


Ang pinakamahalagang bagay lang na dapat gawin ay mag-usap at magkasundo.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.