Search
  • BULGAR

Pagtaas ng gasolina, posible sa Hunyo 30

ni Lolet Abania | June 28, 2020




Nagbabadya ang muling pagtaas ng gasolina sa Martes, Hunyo 30, base ito sa nakikita ng naturang industriya.


Inaasahang nasa P0.40-P0.50/litro ang dagdag-presyo sa gasolina. Nasa P0.20-P0.30/litro ang pagtaas ng diesel at kerosene.


Kung pag-aaralang mabuti, ang dire-diretsong oil price hike na ito ay aabot na sa P9.60 kada litro o higit pa. Ito na ang ika-8 sunod na pagtaas ng gasolina.


Gayunman, pinaninindigan ng Department of Energy na mas malaki pa ang mga rollback kumpara sa dagdag-presyo kung susumahin ang bawat galaw ng presyo ng gasolina.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.