Search
  • BULGAR

Pagsauli sa nabiling bisikleta

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 24, 2020


Dear Chief Acosta,

Bumili ako ng bisikleta last week sa mall na malapit sa aming bayan. Nalaman ko na bumili rin pala ang pinsan ko ng parehong brand at istilo ng bisikleta sa mas mababang halaga sa katabing tindahan. Maaari ko bang isauli ang nabili kong bisikleta upang makabili ako sa kabilang tindahan sa mas murang halaga? – Owen

Dear Owen,

Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Article 1473 ng Civil Code of the Philippines na:


Article 1473. The fixing of the price can never be left to the discretion of one of the contracting parties. However, if the price fixed by one of the parties is accepted by the other, the sale is perfected. (Binigyang-diin)

Malinaw sa nasabing probisyon ng batas na ang pagkakasundo sa presyo ng isang bagay na ibinibenta ay hindi maaaring pagpasiyahan o itakda lamang ng isang partido. Gayunman, kung ang presyo na itinakda ng isang partido ay tinanggap ng kabilang partido, ang kontrata ng pagbenta ay maituturing na naganap na o perfected sa mata ng batas.


Samakatwid, hindi na ninyo maaaring isauli ang nabili ninyong bisikleta sa kadahilanan lamang na mas mataas ang inyong pagkakabili nito kung ikukumpara sa inyong pinsan.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.