Search
  • BULGAR

Ano ang tamang gawin sa natagpuang maleta na naglalaman ng pera?

Updated: Jun 24

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 23, 2020


Dear Chief Acosta,

Nakakita ako ng maleta na may lamang pera habang naglalakad ako sa kalsada. Nang

may mga ibang taong nakakita nito, sinabi nila sa akin na kunin ko na ito at baka mayroon

pang ibang makakuha. Dahil nalito na ako, kinuha ko ang maleta. Hindi ko alam kung saan

ko ito dapat dalhin at natatakot akong baka mapahamak ako sa ginawa ko. Ano ba ang dapat kong gawin?

– Eileen

Dear Eileen,

Para sa inyong kaalaman, ang Article 719 ng Civil Code of the Philippines ang batas na akma sa inyong sitwasyon sapagkat ang inyong natagpuang maleta na mayroong pera ay hindi maituturing na hidden treasure.

“Article 719. Whoever finds a movable, which is not treasure, must return it to its previous possessor. If the latter is unknown, the finder shall immediately deposit it with the mayor of the city or municipality where the finding has taken place.

The finding shall be publicly announced by the mayor for two consecutive weeks in the way he deems best.

If the movable cannot be kept without deterioration, or without expenses which considerably diminish its value, it shall be sold at public auction eight days after the publication.

Six months from the publication having elapsed without the owner having appeared, the thing found, or its value, shall be awarded to the finder. The finder and the owner shall be obliged, as the case may be, to reimburse the expenses.

Sang-ayon sa nabanggit na probisyon, kung hindi ninyo alam kung sino ang nagmamay-ari sa nasabing maleta ay nararapat na ideposito sa punong lungsod o punong bayan kung saan ito natagpuan. Matapos nito, ang nasabing punong lungsod na ang may obligasyong ipaalam sa publiko ang tungkol sa maleta na may lamang pera.

Gayundin, kung sakaling dumating ang nagmamay-ari nito habang ang kustodiya nito ay nasa punong lungsod o punong bayan na, kayo, bilang finder nito ay nararapat niyang bigyan ng one tenth (1/10) ng halaga, bilang pabuya. Ito ay nakasaad sa Article 720 ng Civil Code of the Philippines:


“Article 720. If the owner should appear in time, he shall be obliged to pay, as a reward to the finder, one-tenth of the sum or of the price of the thing found.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalam sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.