top of page
Search
  • BULGAR

Pagsasalita sa loob ng tren ng LRT1, bawal na!

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 10, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Ipinagbabawal na ang pagsasalita sa loob ng tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1), ayon sa Light Rail Manila Corp. (LRMC) upang maiwasan ang pagkalat ng sakit ng COVID-19.

Saad ni LRMC Corporate Communications Head Jacqueline Gorospe, "Knowing 'yung Covid-19, nata-transmit siya through droplets, another layer of protection is if walang nagsasalita, walang lalabas na droplets.

"We remind our passengers na kailangan po i-postpone muna 'yung call. Or if they need to talk, kailangan nakasuot ang mask.”

Ayon pa kay Gorospe, mag-iinspeksiyon ang mga marshalls at LRT personnel sa loob ng tren upang masiguradong sumusunod ang mga pasahero sa panibagong protocol.

Mababasa rin sa Twitter account ng LRMC ang: “PASSENGER REMINDER: TALKING IS NOT ALLOWED ON THE TRAIN

“Respiratory droplets ang isa sa mga karaniwang sanhi ng pagkalat ng COVID-19. Huwag makipag-usap sa katabing pasahero sa loob ng #LRT1. Ugaliin ang pagsusuot ng face mask at paggamit ng alcohol o sanitizer.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page