Search
  • BULGAR

Pagod na sa paglaban sa Gobyerno, 3 NPA sumuko

@Balitang Probinsiya | June 25, 2020



MAGUINDANAO—Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) na pagod na sa pakikipaglaban sa puwersa ng gobyerno ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.


Ang mga sumukong NPA ay kinilalang sina John Erag, alyas Ka Jok, Miles Narciso, alyas Ka Tamtam at Bandara Kuner, alyas Ka Michael, pawang miyembro ng NPA-West Daguma Front na nakabase sa nasabing lalawigan.


Nabatid na isinuko rin ng mga NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa 6th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA).


Ayon sa mga sumukong NPA, pagod na umano sila sa matagal na pakikipaglaban sa puwersa ng pamahalaan kaya nagpasya na silang sumuko sa mga awtoridad.


Samantala, isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.