Search
  • BULGAR

Pagmartsa, naudlot dahil sa COVID-19…THEA, PROUD NA NAKA-GRADUATE HABANG NAGSO-SHOWBIZ

ni Nitz Miralles - @Bida | June 26, 2020




May maipagmamalaki nang diploma at kurso ang Kapuso actress na si Thea Tolentino dahil naka-graduate na siya ng Bachelor of Arts in Business Administration Major in Public Administration sa Trinity University of Asia. Mas doble ang pagmamalaki ni Thea dahil isinabay niya ang pag-aaral sa kanyang showbiz career.


Habang nagkokontrabida sa telebisyon si Thea, kapag walang taping, estudyante siya at sa kanyang pagtatapos, kasama niyang pinasalamatan ang mga classmates na tinulungan siya nu'ng nag-a-absent siya sa klase.


Sayang lang dahil sa COVID-19, walang commencement exercise na nangyari, hindi nagkaroon ng chance si Thea at ang ibang graduating students na umakyat ng stage suot ang toga at tanggapin ang kanilang diploma.


Nangako naman daw ang Trinity University na kapag okay na at wala nang COVID-19, magkakaroon pa rin sila ng commencement exercise.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.