Search
  • BULGAR

Paghahanda para sa ‘new normal’

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | September 16, 2020



Sa Development Budget Coordinating Council Briefing na ginanap noong nakaraang linggo, tinalakay ang paggastos ng pamahalaan tungo sa pagsugpo ng COVID-19 at sa pagpapagaan ng epekto nito sa lipunan.


Hiniling din sa kanila ang kongkretong plano ng gobyerno kung papaano tayo makakakuha ng sapat na supply ng bakuna laban sa COVID-19, kung mayroon na ba tayong nakalaan na pondo, at kung kailangan pa ng karagdagang budget para maunang mabigyan ang mahihirap at higit na nangangailangan. Kung maaari ay magawa ito ng mga local manufacturers at maging maayos ang paghatid nito sa bawat rehiyon sa Pilipinas.


Kailangan na ring mailipat ng gobyerno ang mga serbisyo nito online. Kaya isa sa mga inihain nating panukala ay ang SB 1738 o tinatawag na E-Governance Act of 2020, naglalayong maipatupad ito sa lalong mabilis na panahon para maayos ang paghahatid ng serbisyo at mabawasan ang korupsiyon at red tape.


Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng national ID system, mas mapabibilis na ang transaksiyon sa gobyerno. Bukod sa mas maayos na pagproseso ng mga serbisyo, mapapabuti rin ang mga programa para sa tao base sa mga datos na makakalap dito.


Sa ilalim ng new normal, dapat isama ring itaguyod ang maayos na paglipat ng sistema ng edukasyon patungo sa digital learning. Marami sa mga mag-aaral at pati na rin ang mga guro ang nangangailangan ng tulong lalo na sa pagkalap ng mga kagamitan, tulad ng tablets at computers.


Dapat ding masiguradong magtuluy-tuloy ang mga proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build” na programa ng gobyerno. Bukod sa pagpapatayo ng mga kinakailangan imprastruktura, makatutulong din ito sa paglikha ng trabaho at pagpapasigla ng ekonomiya.


Gayundin, idiin ang pagpapatupad ng mga programa para dumami ang oportunidad na kumita ng bawat pamilyang Pilipino, tulad ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa program ng DTI.


Magmalasakit at magbayanihan tayong lahat para sa ikauunlad ng bansa at ng bawat Pilipino.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.