top of page
Search
  • BULGAR

Paggamit ng facemask, ‘di basta-basta; kalidad at proteksiyon vs. COVID-19, ikonsidera!

ni Ryan Sison - @Boses | July 10, 2020



Para manatiling ligtas at protektado sa hindi nakikitang kalaban, kailangan natin ng sandata o panangga.


Una na rito ang madalas na paghuhugas ng mga kamay, paggamit ng alcohol at pagdi-disinfect, gayundin ang pagsusuot ng facemask.


Sa nakalipas na mga buwan, naging parte na ng ating buhay ang paggamit ng facemask.


Iba’t ibang klase ng facemask ang ginagamit natin araw-araw, kabilang na rito ang surgical o disposable at cloth, habang may gumagamit din ng designer facemasks, pero paano kung ang nakasanayan nating gamitin ay hindi pala angkop o walang kakayahan na protektahan tayo sa virus?


Sa dami ng iba’t ibang uri ng facemask, ano’ng una nating tinitingnan — ang kakayahan nito na protektahan tayo laban sa virus, presyo o ‘yung puwede na, basta may magamit?


Maraming brand ang kalat na kalat at tinatangkilik ng publiko, pero hindi sapat ang proteksiyon at mas mahal sa suggested retail price na itinakda ng Department of Trade and Industry (DTI).


Ngayong sumampa na sa mahigit 50,000 ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa, panahon na para suriin nating mabuti ang mga ginagamit nating panangga.


Naipagbigay-alam sa atin ang tungkol sa BASIC NANO MASK. Inirerekomenda ito ng mga eksperto dahil mayroon itong nano technology. Ang uri ng mask na ito ay washable hanggang limang beses, breathable hanggang 120-oras, may mataas na filter rate at oxygen flow, gayundin, gawa ito sa medical non-wovens.


Ang BASIC NANO MASK FFP2/N95 ay may 98.25% filter mula sa L&G creation na kilala sa Europe at Asia, na kauna-unahang mask manufacturer sa buong mundo na gumagamit ng nano technology. Ito ay mula sa Denmark at idinisenyo at sinubok para sa COVID-19.


Ang naturang mask ay ginagawa rito sa Pilipinas para maibenta nang mas mura, gayundin, para makatulong sa mga Pinoy na nawalan ng trabaho.


Gumagamit din sila ng Swiss authenticity technology o seal of authenticity para makasiguradong totoo ang produkto na nabibili ng mga konsumer.


May mga ganitong uri ng facemask na aprubado ng mga awtoridad at maganda ang kalidad, gawang Pinoy at tried and tested naman, pero bakit hindi pa rin tinatangkilik?


Itigil na natin ang ugali na basta may magamit, oks na. Dapat sa sigurado tayo dahil marami nang napahamak at nawalan ng buhay dahil sa maling paniniwala.


Alamin kung pasado sa lighter test, may nano technology at ligtas pa ring gamitin kahit nagamit na nang ilang beses, gayundin kung DOST certified at FDA approved ang mga ito.


Tandaan natin na hindi lang basta may magamit ang dapat nating ikonsidera. Kasama rito ang kasiguraduhang sapat ang proteksiyon na nakukuha natin. ‘Wag nating hintayin na dumami ang mga namamatay dahil maling uri ng facemask ang ginagamit bago tayo matauhan.


Proteksiyon ang ating kailangan at hindi panibagong problema.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page