top of page
Search
  • BULGAR

Pagbebenta ng alak at yosi online, bawal — DOF

ni Mylene Alfonso | July 6, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Dahil sa hindi na matutukan kung sino ang mga bumibili ng alak at sigarilyo, tuluyan nang ipinagbawal ng Department of Finance (DOF) ang bentahan ng alak at sigarilyo online.


Sinabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez na kabilang sa babantayan ng ahensiya ang Lazada, Shopee at iba pang sikat na online shopping sites.


Nangangamba umano ang kalihim na posibleng mga bata ang tumatangkilik sa mga naturang produkto kaya ipinatupad ang naturang ban.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page