Search
  • BULGAR

Pag-unlad ng mag-asawang otso at singko, mangyayari kung magba-buy and sell ng palay

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| July 12, 2020




KATANUNGAN

  1. Matagal ko nang pangarap yumaman. Gusto kong ipasuri ang aking mga palad para malaman kung may guhit ng pagyaman dito.

  2. Seaman ang aking asawa, pero bago mag-lockdown ay nakauwi siya rito. Sa ngayon, may kaunti na kaming naiipong puhunan. Balak naming mag-buy and sell ng palay at maging rice dealer, bagay ba sa amin ang negosyong ito at dito kami yayaman?

  3. Sabi n’yo, yumayaman ang mga taong may birth date na 14 at 8, at ganu’n ang birthday namin. November 14, 1978 ang birthday asawa ko at December 8, 1979 naman ang birthday ko.

KASAGUTAN

  1. Unti-unting umangat hanggang sa ganap na kumapal ang Guhit ng Negosyo o Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na planuhin mo man o hindi, kusang magaganap sa panahong inilaan ng kapalaran ang binabalak mong pagnenegosyo o pangangalakal.

  2. Ang pag-aanalisang makapag-nenegosyo ka sa ayaw at sa gusto mo ay madaling kinumpirma ng iyong lagda, na dalawang initial lang at pagkatapos ay simpleng-simpleng isinulat ang iyong apelyido. Tunay ngang ang mga lagdang ganyan, maayos na maayos, suwabeng-suwabe ang pagkakasulat at nagtapos sa straight line, ang laging nagtagumpay at umuunlad sa pangangalakal, lalo na kung buy and sell ang nature ng binabalak mong negosyo.

  3. Samakatuwid, tama ang iyong plano, tulad ng mamimili ng palay sa panahon ng anihan at ibebenta ‘pag tag-ulan o ipagigiling ito at gawing bigas, upang kapag tumaas ang presyo ng bigas at palay, malaking tubo ang siguradong kikitain mo.

  4. Tulad ng naipaliwanag na, sa nasabing negosyo ka aasenso at magtatagumpay, na kinumpirma rin ng zodiac sign mong Capricorn at birth date mong 8, higit lalo at nagkataong singko (5) ang birth date ng mister mo, dahil ang petsang 14 ay 1+4=5. Tanda na suwerte ang mga Capricorn, ganundin ang mga Taong Otso at Singko sa mga prokduktong inaani sa bukid o mga kalakal na agricultural products.

  5. Ang tuwid na Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad ay tanda na sa panahon ngayon, unti-unti kang nagiging praktikal at materyoso, walang duda na ihuhulog ng langit sa bubong ng inyong bahay ang iyong pangarap na yumaman at ito ay tunay na tunay ngang matutupad.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Lily, ituloy mo lang ang binabalak mong negosyong buy and sell ng palay o rice trading. Kung magsisimula ka na sa susunod na anihan, lilipas ang mga ilang panahon pa sa 2034, sa edad mong 55 pataas, dahil sa nabanggit ng negosyo, tiyak ang magaganap – mabilis na uunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya hanggang sa tuluyan na rin kayong yumaman.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.