Search
  • BULGAR

Pag-aralan daw muna bago ipatupad…AIKO, PINALAGAN ANG PAGPATAW NG TAX SA MGA ONLINE SELLERS

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 24, 2020




Kamakailan ay nagkakuwentuhan kami ni Aiko Melendez tungkol sa pagpataw ng tax sa online sellers’ para makalikom para sa pangangailangan sa panahon ng pandemya.


Naglipana na kasi ngayon ang mga nagbebenta ng kung anu-ano sa online dahil ito ang nagsalba sa mga mamamayan na tatlong buwang no work, no pay, bukod pa sa mga walang trabaho talaga.


Kaya nang ianunsiyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpataw ng tax sa mga online sellers ay talagang marami ang umalma, hanggang sa ni-revise na ang kumikita annually ng P250,000 below ay hindi papatawan ng buwis, pero kailangan pa ring magparehistro ang mga sellers.


Isa si Aiko sa mga umalma rito hindi dahil isa na rin siyang online seller na kasisimula lang nitong Abril at inaming nasa P150 ang tubo sa bawat mabebenta niyang gadget sa kanyang Gadgets All In One at kadalasan ay wala na ring tubo lalo’t mga health workers at frontliners ang bumibili dahil tulong na rin niya ito sa kanila.


Kami ang nagbukas ng usaping pagpataw ng buwis sa mga online sellers at ang pananaw dito ng aktres, “Before they implement such tax, dapat i-file muna nila ‘yan and that should be discussed muna sa Congress before it could be enacted, so if that’s the case, that will take a long time pa and a lengthy debate. Maraming magagalit sa kanila, pati abroad need nilang i-consult about that kasi that’s regulatory,” opinyon ni Aiko.


Sa kabilang banda ay nagbigay din ng saloobin ang aktres sa kanyang IG account nitong Lunes ng gabi para sa mga maliliit na negosyanteng tulad niya.


“My statement regarding small businesses, my heart goes to all the negosyantes, who are trying to make a decent living by selling online, nothing wrong.


“We are in a middle of a crisis po. It is not right na tanggalan ang mga taong ito ng karapatan na kumita the best way they can. Haven’t you all noticed? In my IG stories I accept gifts from different online stores to show them my support 'coz to be mentioned by a celebrity is a big help and promo for them.


“So, please everyone na may business, I ask you to say your piece on my chat. And please know that I am behind you on this cause.


“For as long as it’s not stealing, your products are good, then there shouldn’t be a problem. Sayang, wala na ako sa QC kaya 'di ko mas maipaglaban kayo, kaya sa social media accounts ko kayo tatayuan at maninindigan para sa inyo!


“Comment if you agree on me on this! And please another taxation for them is such a bad timing swipe left for more of my statement.”


As of this writing ay aabot na sa 2K likes ang post na ito ng aktres.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.