Search
  • BULGAR

P-Duterte, nagbabadyang ipasara ang J&T Express

ni Lolet Abania | July 01, 2020




Tatlong ahensiya ng gobyerno ang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang J&T Express, kung saan nahuli at lumabas sa isang viral video ang personnel nito sa ginawang mishandling ng parcels.


Sa weekly address ni P-Duterte, inutusan niya ang National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na alamin ang naganap na insidente at ang local courier na ito.


“I am ordering now because the CIDG is listening and the NBI to investigate you at ang BIR to look into your finances. ‘Yung mga padala, nawawala tapos pagdating pinapalitan, wala ng laman,” sabi ng pangulo.


Binalaan din ng pangulo ang naturang kumpanya na hindi siya mangingiming ipasara ang J&T Express sakaling mapapatunayan ng tatlong ahensiya ng gobyerno na nag-iimbestiga, na lumabag sila sa mga patakaran.


“As a courier, because of many complaints, I will close you down. Sigurado ‘yan, sasarhan kita, whether you like it or not,” ayon kay P-Duterte.


Sa video na kumalat sa socmed, nakitang inihagis-hagis ng mga kalalakihan ang mga packages sa J&T Express delivery truck na labis na ikinagalit ng netizens.


Agad na nag-isyu ng apology ang J&T Express sa socmed accounts, at sinabing naka-sanction na ang personnel na kasama sa insidente.


“We would like to reiterate that we do not tolerate such acts and behavior, and we humbly take responsibility for this incident,” pahayag ng pamunuan ng kumpanya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.