Search
  • BULGAR

P-Duterte, magbibigay ng pagkain at matutuluyan sa LSIs sa NAIA

ni Lolet Abania | July 01, 2020




Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Interior Secretary Eduardo Ano na tipunin ang lahat ng locally stranded individuals (LSI), lalo’t higit ang mga nananatili sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), upang bigyan sila ng gobyerno ng pagkain at matutuluyan.


“I would like to remind si General Ano to gather all na naghihintay ng walang matulugan, matirhan, at nandiyan sa labas ng NAIA… You will be transported to a place. I will pay, just bill me, pati pagkain,” pahayag sa late address ni P-Duterte.


Libu-libong LSI ang nagka-camping malapit sa NAIA dahil sa umaasang makakakuha sila ng flights kahit na limitado ang air travel sanhi ng pandemya. Gayunman, pinaalalahanan na rin ng Manila International Airport Authority ang publiko na huwag magpunta sa airport kung wala pa silang kumpirmadong flight.


Idiniin pa ni P-Duterte kay Ano na dapat na magkaroon ng tight budget sa pagkain ang LSIs.


“Maghanap lang ng mga karinderya baka budget magreklamo. Wag kayong magkain ng mahal. We are in a crisis, let us keep our senses close to the ground,” ayon sa Pangulo.


Gayundin, inatasan ni P-Duterte ang Department of Transportation na paalisin muna ang malalapit na restoran at palitan ng mga upuan para sa mga stranded na indibidwal doon.


“Art (Secretary Arthur Tugade), lagyan mo ng silya lahat ‘yan. ‘Yung restaurant diyan, kung ma-terminate mo ‘yung contracts, terminate them. Because I need them to sit the passengers waiting,” sabi ni P-Duterte.


Samantala, hiniling ng pangulo sa mga pulis na naka-assign sa NAIA na asistehan muna ang lahat ng LSIs sa naturang lugar.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.