top of page
Search
  • BULGAR

P-Du30, suko na raw sa China... West PH Sea kapalit ng COVID vaccine

ni Mylene Alfonso | July 31, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.



Mahigpit na pinabulaanan ng Malacañang na nakadepende ang Pilipinas sa China kaugnay sa mabubuong bakuna laban sa COVID-19 kaya hindi agresibo si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggigiit ng arbitral ruling sa South China Sea.


Una nang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), na kinausap na nito si Chinese President Xi Jinping na gawing prayoridad ang Pilipinas na bibigyan o bebentahan ng kanilang COVID-19 vaccine kapag nabuo at available na.


Kinumpirma naman ito ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin sa pagsasabing prayoridad nila ang Pilipinas na susuplayan ng bakuna.


Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang katiyakan na ito ng China ay bunga ng independent foreign policy ng Pilipinas na kaibigan ng lahat at walang kaaway.


Nagpapasalamat aniya sila sa gobyerno ng China dahil sa isinapublikong posisyon nila na isa ang Pilipinas sa makikinabang sa kanilang bakuna.


Hindi lamang din umano sa China umaasa ng bakuna ang Pilipinas kaya kinakaibigan ang lahat para aling bansa man ang maunang magkaroon ng bakuna ay bibigyan din tayo ng supply.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page