Search
  • BULGAR

Online seller, tiklo sa shabu

ni Maeng Santos | June 24, 2020


Photo: Source



Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makuhanan ng nasa P272,000 halaga ng shabu sa biy-bust operation sa Caloocan City.


Kinilala ni Caloocan Police Chief Col. Dario Menor ang mga naaresto na sina Gretchen Cerro alyas Ate, 29, online seller at Arthur Villanueva, 41, tricycle driver, kapwa ng Bgy. 175, Camarin.


Ala-1:30 ng madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo kontra sa mga suspek sa kahabaan ng Sampaguita St., Bgy. 175.


Agad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang sachet ng shabu si PCpl. Roger Abrenica na nagpanggap na buyer kapalit ng P1,000 marked money.


Narekober ng pulisya sa mga suspek ang nasa 40 gramo ng shabu n tinatayang nasa P272, 000 ang halaga at buy-bust money.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.