Search
  • BULGAR

Online classes, suspendido 'pag may bagyo — DepEd

ni Lolet Abania | September 14, 2020



Sa kabila ng bagong sistema ng edukasyon na distance learning dahil sa pandemya ng Coronavirus, posibleng isuspinde pa rin ang klase kapag may bagyo at nakararanas ng sama ng panahon, ayon sa Department of Education (DepEd).


Sa pahayag ni DepEd Usec. Diosdado San Antonio, maaaring suspendihin ang klase sakaling mawalan ng kuryente sa mga lugar kung saan pinili ng mga estudyante ang learning modality na online classes.


“Ako personally, ang tingin ko, dapat walang pasok sa araw ng bagyo o ‘yung nagre-restore pa [ng kuryente], pero hindi kasinghaba ng dati,” sabi sa virtual briefing ni San Antonio.


“Only for those doing online, but for those doing the printed self-learning modules, talagang ‘yung araw lang ng bagyo siguro saka ‘yung araw na nag-aayos pa ‘yung mga bahay, pero ‘pag ready na, hindi na extended ‘yung disruption sa pagpasok ng mga bata,” dagdag ni San Antonio.


Samantala, pinag-aaralan ng DepEd ang pag-aalis ng itinatakdang periodical exams sa layong maiwasan ang pagkakaroon ng dayaan sa mga estudyante.


Ayon kay San Antonio, itutuon na lamang sa mga written outputs at performance tasks ang gagawin ng mga estudyante para mabigyan ng grades.


“We are dispensing with the periodical exams in our proposed revised policy on assessment of learning. We’ll do written outputs and performance tasks,” sabi ni San Antonio. “This is the best time for us, so we are appealing to the parents, grandparents, and adults to help DepEd actually reinforce the value of honesty.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.