Search
  • BULGAR

ONE C'ships, nagdaos ng 2 closed door event sa China

ni Gerard Arce - @Sports | June 27, 2020




Matagumpay na naidaos ng ONE Championship ang isang closed door event sa isang magkasunod na mga tagpo sa Shanghai, China nitong nakalipas na weekend.


Ginanap nitong Sabado ang ONE Hero Series 13, habang sinundan ito ng ONE Hero Series 14 noong Linggo na naghandog ng tig-limang dikdikang laban sa iba’t ibang weight category, partikular sa mga mabababang timbang.


We at ONE Championship are delighted to once again host the world’s most exciting martial arts events,” wika ni ONE Championship president Hua Fung Teh. “I would like to personally thank all the fans for their continued support for our organization and our athletes. Shanghai served as the perfect backdrop for the prestigious ONE Hero Series, which aims to showcase the absolute best in rising young martial arts talent from China,” dagdag nito.


Naging dikitan ang mga panalo sa unang gabi ng bakbakan ng kunin ni Ze Lang Zha ang unanimous decision victory laban kay Liang Hui matapos ang 3 rounds sa strawweight division. Nahirapan rin ang mga hurado sa mga panalo sa mga split decision victory nina Luo Chao laban kay Zhao Jun Chen sa Catch Weight Kickboxing bout (71.8kg); Yang Hua laban kay Wei Zi Qin sa Flyweight Kickboxing bout; at Wang Zhen laban kay Zou Jin Bo sa Flyweight Mixed Martial Arts class. Impresibo naman ang panalo sa Lightweight Mixed Martial Arts fighter Fu Kang Kang ng isubmit nito si Wang Hu sa pamamagitan ng rear naked choke sa 3:29 minutes ng 2nd round.


Nagsipagwagi naman ng unanimous decision sa ikalawang gabi sina Xu Liu at Zhu Kang laban kina Zhao Xiao Yu at Ayijiake Akenbieke sa catchweight kickboxing (72.0kgs) at featherweight Mixed Martial Arts bout, ayon sa pagkakasunod.


Napanatili ng ONE Championship ang maayos na pagpaplano sa pagsunod sa mga kinakailangang protocols at mga tamang patakaran upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng atleta, staff at lahat ng mga nagtatrabaho na dumaan sa masusing medical testing, mga katanungan ukol sa travel history, pagsunod sa mga sanitation practices, social distancing, daily symptoms monitoring, at personal protective equipment (PPE).

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.