Search
  • BULGAR

Olympic Hopefuls, naghihintay sa approval ng IATF kung kailan mag-ensayo

ni Gerard Arce - @Sports | September 16, 2020




Maaaring muling makapagpatuloy sa kanilang mga pagsasanay ang mga national athletes – patrikular na ang mga Olympic bound at hopefuls– sakaling mabigyan nang aprobasyon ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang mga atletang papasok sa loob ng Philsports Complex, kung sakali sa huling linggo ng Setyembre, upang makasunod sa pinapairal na health at safety protocols ng bansa.


Inihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) National Training Director Marc Velasco na pinapanalisa na lamang nila ang mga istriktong protocols na kakailanganin sa loob ng Philsports Complex sa Pasig City na pagdarausan ng training preparation, kasama ang exemption para sa mga national athletes mula sa IATF. We are just waiting for the safety protocols na nasubmit namin sa IATF, pero meron na kaming venues na inaayos sa loob ng Philsports. Depende pa rin kay Chef de Mission Nonong Araneta kung mabibigyan lahat ng venues,” wika ni Velasco sa panayam ng Bulgar Sports sa telepono. “But for now, we are still coordinating with the Philippine Olympic Committee (POC) and the NSAs kung ilan ang mga ipapadala nilang athletes to train inside the sports complex that are still looking to qualify in the Olympics,” dagdag nito.


Sinabi pa ni Velasco na prayoridad muna ang mga sasabak sa Olympic Qualifying Tournaments, habang lilimitahan ang bilang ng mga mag-eensayo sa loob ng Philsports. Siniguro rin nito na patuloy na nililinis ng ahensya ang kabuuan ng pagdarausan ng pagsasanay. samantalang malayo ito sa Philsports Arena, na ginawang pasilidad para sa mga Covid-9 patients. Patuloy namang nililinis ang loob ng Complex at nasa 50-meters naman ang layo ng facility kaya safe ang mga athletes natin,” saad ni Velasco.


Sa lumabas na report sa ibang pahayagan, sinabi ni Velasco na magkakaroon ng swab testing sa mga athletes at coaches na magiging parte ng training, gayundin umano ang mga medical staff at physical therapists.


Inaasahan pang aabot sa 80 atleta ang maghahanap ng pagkakataon na makakuha ng ticket para sa 2020 Tokyo Olympics na nakatakda simula Hulyo 23-Agosto 8 sa susunod na taon, kasunod ng pagpapaliban rito ngayong taon dulot ng nagaganap na coronavirus disease (Covid-19) pandemic.


Apat na miyembro na ng pambansang koponan na binubuo nina Ernest John Obiena ng pole vault, Carlos “Caloy” Yulo ng gymnastics, national boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang mga unang nakakuha ng ticket sa quadrennial meet.


Ilan pa sa mga inaasahan na maghahanap ng puwesto sa Olympiad para sa qualifying tournament sina 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, 2019, World Champion Nesthy Petecio, Asian Games gold medalist Margielyn Didal ng skateboarding, 4-time Southeast Asian Games champion Kiyomi Watanabe ng Judo, Olympians Rogen Ladon at Charly Suarez, Ian Clark Bautista, at Carlo Paalam, ng boxing; Taekwondo jins Pauline Lopez, Kurt Barbosa, Arven Alcantara, Samuel Morrison at 2016 Rio participant Kirstie Alora; Junna Tsukii, Jamie Lim at Joane Orbon ng Karate; Jason Baucas, Noel Norada, Alvin Lobrequito at Jiah Pingot ng Wrestling, Ariana Dormitorio at Danny Caluag ng cycling; golfers Yuka Saso, Miguel Tabuena at Dotie Ardina; swimmers James Deiparine, Luke Gebbie, Remedy Rule at Jasmine Alkhaldi; Kristina Knott, Eric Gray, William Morrison, Natalie Uy, at Christine Hallasgo ng Athletics; rowing team, at 3x3 men’s basketball squad.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.