Search
  • BULGAR

Nurse, patay sa pamamaril sa ambulansiya

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 1, 2020




Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang ambulansiya ng Rescue 165 ng Palawan local government unit (LGU) ngayong Sabado, 3 PM na ikinamatay ng isang nurse.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente ng pananambang sa Barangay Dumarao, Roxas, Palawan. Pauwi na diumano sa naturang lugar ang ambulansiya na may sakay na tatlong katao.

Kinilala ng program manager ng Palawan Rescue 165 ang nasawing nurse na si Al Jerome Bernardo at bukod dito ay mayroon pang sugatan ngunit hindi pinangalanan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.