Search
  • BULGAR

NTC, naghain ng cease-and-desist order sa ABS-CBN at Sky Cable

ni Thea Janica Teh | June 30, 2020




Naghain ng dalawang cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) sa pagtigil ng digital broadcast ng TV Plus ng ABS-CBN sa Metro Manila at satellite broadcast sa Sky Cable, nationwide.

Ipinahinto ang ABS-CBN sa pag-operate ng digital TV transmission gamit ang Channel 43 (644-650 mhz) kung saan maaapektuhan ang TV Plus channels tulad ng Cine Mo, Yey!, TeleRadyo at pay-per-view channel KBO.

Samantala, ipinatigil din ang operasyon ng Sky Cable Direct Broadcast Satellite Service o DBS service gamit ang radio frequency 14421-14457 MHz at 12673-12709 MHz.

Ibinahagi ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak sa House hearing na halos 11 milyon kabahayan o mahigit 55 milyong kababayan ang naaabot ng TV Plus at Sky services.

Ang TV Plus ay mayroong pay-per-view channel na Kapamilya Box Office (KBO) at nakapagbibigay ng magandang quality experience sa mga manonood.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.