Search
  • BULGAR

No taping, no pay din at wala nang mga dyulalay… TF NG MGA ARTISTA, 50% NA LANG

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 24, 2020




Ibinalita ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis na nakipag-meeting daw ang PAMI (Professional Artists Managers, Inc.) sa ABS-CBN (na hindi siya nakadalo) at napag-usapan daw ang pagbabawas sa talent fee ng mga artista.


“Nagulat ako, Salve, nang malaman ko nu'ng meeting pala ng PAMI sa ABS-CBN ay napag-usapan ang price cut o discount sa talent fees ng mga artista. Kasi nga, hindi ako nag-a-attend ng meeting 'pag gabi, at bobo ako sa Zoom kaya wala ako ru'n. Sabi ni June Rufino, pumayag daw lahat ng PAMI members sa hiniling na discount ng ABS. Ok, fine,” ang bungad ni 'Nay Lolit sa kanyang Instagram post.


‘Yun nga lang, hindi raw siya nasabihan ng EP (executive producer) tungkol dito nang kunin ang mga alaga niya sa nasabing pagbabawas ng TF, kaya mukhang hindi rin alam ng mga talents niya.


“Ang naging problema ko, hindi ako nasabihan ng mga EP nang kunin nila ang mga stars ko, kaya na-shocked ako dahil inakala pala nila na nasabi na ni June Rufino sa lahat.


“Sa tindi ng sitwasyon ngayon na kapit-patalim siguro o talagang artistic juices na lang ang hinahabol ng mga artista, sana nga, pumayag sila sa 50% to 20% cut na babawasin depende sa TF nila,” sey pa ni 'Nay Lolit.


Ibinahagi rin ng talent manager/columnist ang mga bagong guidelines ngayon sa taping kabilang na ang “no taping, no pay” kahit pa naka-lock-in ka sa set.


“At iyong sitwasyon sa taping o shooting na lock-in na no taping, no pay, nandu'n ka sa loob nang 1 month pero ang babayaran lang, kung ilang araw ang trabaho mo, at siyempre, huwag kang maghanap ng magandang accommodation, hindi hotel kundi motel type ang titirhan n'yo, wala kang alalay, make-up artist, stylist.


“At hindi ka rin puwedeng maging mapili sa pagkain dahil kung ano ang nandu'n sa set, iyon ang pagkain n'yo,” aniya.


Parang bumalik daw sa dati ang sitwasyon ngayon noong mababa pa ang mga TF ng mga artista.


“Alam ng lahat ang sitwasyon ng showbiz ngayon, siguro, dito mate-test ang tolerance level ng artista, dahil hindi lang basic ang babalikan mo sa trabaho, balik din ngayon sa mga dating talent fee before nauso 'yung sky rock high na asking price ng mga artista.


“Now is the moment of truth, parang starting uli ang showbiz, panahon na regular pa ang payslip at wala ang mga nauso na personal make-up artist at stylist. Welcome to the real world,” sey ni 'Nay Lolit.


This just goes to show na apektado talaga ang lahat ng tao ngayon sa nangyayaring pandemya, ke mayaman ka pa o mahirap at kahit ano pa ang trabaho mo.


Kaya dapat ay papurihan natin sila kung nagagawa pa nilang tumulong sa kapwa kahit na nga sobrang apektado rin ngayon ang kanilang income.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.