top of page
Search
  • BULGAR

No extra charge sa kuryente ng mahihirap, isinusulong

ni Thea Janica Teh | September 18, 2020



Inaprubahan na ng House Energy Committee nitong Huwebes, Setyembre 17 ang

consolidate bill na naglalayong palawigin ang lifeline rate sa ilalim ng Electric Power

Industry Reform Act.



Dalawang bill ang pinagsama sa Section 73 ng EPIRA measure na kapwa matatapos sa

2021. Sa ilalim ng ipinasang panukala, ang lifeline rate ay palalawigin hanggang 20 taon na matatapos sa 2041.


Ang lifeline rate ay isang socialized pricing mechanism o pagpapanatili ng presyo ng

kuryente kahit pa tumaas ito at nakadepende sa gamit ng mga konsyumer na kabilang sa low income market ng Energy Regulatory Commission.


Sa ilalim ng panukalang ito, hindi na papatungan ng charges ang nakonsumong kuryente ng mga kabilang sa low income earners o 'yung may mababang kita at kung magkano lang ang kanilang ginamit ang kanilang babayaran.


Bukod pa rito, pinag-uusapan na rin sa senado ang Senate Bill 1583 ni Energy Committee chair Sherwin Gatchalian o pagpapalawig ng lifeline subsidy sa electric rates ng mga kabilang sa low-income market.


Layon ni Sen. Gatchalian na palawigin din ito ng 20 taon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page