Search
  • BULGAR

No disconnection period ng Meralco, extended!

Updated: Jul 6

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | July 6, 2020




Good news para sa ating lahat! Dahil mas pinalawig pa ng Manila Electric Company

(MERALCO) ang panahon na hindi magpuputol ng supply ng kuryente.


Sa pagdinig sa House committee on Energy hearing noong Hulyo 2 na pinamumunuan ni House Energy Committee Chairman Lord Allan Velasco, sinabi ni Meralco President at CEO Atty. Ray C. Espinosa na extended ang “no disconnection period” hanggang katapusan ng Setyembre 2020.


Sa panayam ng media kay Meralco Spokesperson Joe Zaldararriaga, sinabi nito na ginagawa ng Meralco ang lahat para maisaayos at matugunan ang lahat ng mga isyu at hinaing ng Meralco customers. Aniya, “iniisa-isa namin ang bawat reklamo na aming natatangap at hindi kami titigil hangga’t hindi nabibigyan ng solusyon ang bawat hinaing.”



Kaya naman lubos na nagpasalamat si Congressman Velasco sa ginawa ng Meralco at

sinabing malaking tulong ito at makababawas sa alalahanin ng mga konsyumer ng

kuryente.


Nagsimula noong Mayo ang aktwal na meter reading ng kumpanya at nakumpleto noong nagdaang buwan ng Hunyo.


Tinitiyak ng Meralco na ang sinisingil lamang nito ay kung ano ang nakonsumo ng kanilang kustomer batay sa nakarehistro sa metro.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.