Search
  • BULGAR

No. 2 sa world ranking si Pinay AIBA champ Petecio

ni MC - @Sports | August 1, 2020




Napunta kay amateur International Boxing Association (AIBA) World Champion Nesthy Petecio ang no. 2 rank sa Women’s Elite 57-kgs category.


Dahil sa nakamit na karangalan ay agad pinuri ng Philippine Sports Commission si Petecio, 27-anyos. Nakuha ni Petecio, ayon sa AIBA ang ranking nang umiskor ng 1,200 na kabuuang puntos sa mga nagdaang laban niya.


Lahat ng featherweight points na naipon ni Petecio ay mula sa pagkakuha niya ng gold medal sa World Championship noong Okt. 13, 2019 sa Russia.


Nangangako ang Davao del sur native boxer na sa susunod na world ranking ay pipilitin na niyang makuha ang unang puwesto. Napunta kay Yu-Ting Lin ng Taiwan ang first place, ayon sa ulat.


Pagpasa na lamang sa Tokyo Olympics ang inaasahan ni Petecio upang makasama niya sa kampanya sina Eumir Marcial at flyweight champion Irish Magno.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.