Negosyante, tiklo sa shabu at boga
@Balitang Probinsiya | June 4, 2023
ILOILO—Isang negosyante ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu, isang baril at mga bala kamakalawa sa Captain Tirador St., Janiuay sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala na si Cezar Mateo, 36-anyos, residente sa nabanggit na bayan.
Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Mateo sa bisa ng search warrant at dito nakumpiska ang anim na gramo ng shabu, isang kalibre .45 pistola at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunition.



Comments