Search
  • BULGAR

NCRPO Sinas, dapat ma-promote — Cascolan

ni Lolet Abania | September 16, 2020




Napipisil na hirangin para sa mataas na posisyon si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major Gen. Debold Sinas sa kabila ng kontrobersiya ng mañanita na naganap noong kaarawan nito sa panahong mahigpit na ipinatutupad ang community quarantine sa Metro Manila, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Camilo Cascolan.


“Well, until now, there is no replacement. We have to evaluate him properly. Of course the guy deserves also an evaluation and of course, a promotion too. He has done good things and that is all I can really say,” sabi ni Cascolan.


Sa ngayon, ayon kay Cascolan, pinag-iisipan niyang i-appoint si Sinas para sa isang directorial staff position, subali’t isasailalim pa rin sa evaluation ang NCRPO director.

“I think he needs to be up to a directorial staff or a certain position that is fit most especially for him. I believe he is an expert for training of personnel and recruitment,” sabi pa ni Cascolan.


Una rito, nanatili si Sinas bilang NCRPO chief sa kabila ng sinasabing paglabag umano nito sa minimum health protocols sa kontrobersiyal na birthday serenade sa kanya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City noong Mayo 8.


Gayundin, ito ang naging daan upang magsampa ng criminal complaints ang PNP Internal Affairs laban kay Sinas at ilang police officers dahil sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act at Taguig City ordinance na may mandato ng pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng physical distancing.


Gayunman, ayon kay Retired PNP Chief Gen. Archie Gamboa, ang isyu ng mañanita ay matagal nang “closed case.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.