Search
  • BULGAR

NCAA, tampok na usapin sa PSA online forum

ni Anthony Servinio - @Sports | June 23, 2020




Mga opisyal ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang mga bisita ngayong Martes sa pagpapatuloy ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Online Forum. Ibabalita ng papasok na Management Committee Chairperson Fr. Victor Calvo OP ng Colegio de San Juan de Letran at Peter Cayco ng Arellano University ang mga plano ng liga para sa parating na Season 96.

Kamakailan ay inihayag ng bagong punong abalang Letran na sa 2021 na magbubukas ang NCAA at apat na disiplina lamang – Basketball, Volleyball, Athletics at Swimming – ang lalaruin. Lilinawin naman ni Cayco ang mga usapin na naiwan sa huling season kung saan nagsilbing punong abala sa unang pagkakataon ang Arellano.

Mapapanood ang lingguhang pulong balitaan ng live sa pahina ng PSA at Radyo Pilipinas 2 sa Facebook simula 10:00 ng umaga. Ang PSA Online Forum ay unang inihatid sa ere ang noong Hunyo 2 matapos mawala ng tatlong buwan. Ilan sa mga naging panauhin sa mga nakaraang mga linggo ay sina PSC Chairman William Ramirez, POC President Rep. Abraham Tolentino, PBA Commissioner Willie Marcial at Deputy Commissioner Eric Castro at UAAP Season 82 President Emmanuel Fernandez ng Ateneo de Manila University at Executive Director Atty. Rebo Saguisag.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.