Search
  • BULGAR

NBA star Jokic at Tennis no. 1 player Djokovic, may COVID-19

ni Gerard Arce - @Sports | June 25, 2020




Nagpositibo rin umano sa malupit at delikadong coronavirus disease ang All-Star forward na si Nikola Jokic ng Denver Nuggets ng NBA at kasalukuyang naka-quarantine sa kanyang bansa sa Serbia.


Ayon sa nakakaalam ng pangyayari, nakatakda na sanang lumipad patungong Denver ang Serbian basketball star upang lumahok sa pagbubukas muli ng NBA sa Disney Complex sa Orlando, Florida, ngunit kabilang umano ito sa mga nagpositibo kasama ang isa pang Serbian athlete at world number one men’s tennis player na si Novak Djokovic at asawa nito.


Inihayag umano ng isang indibiduwal sa The Associated Press na hindi nagpabanggit ng pagkatao sa naturang balita, na maging ang ESPN at The Denver Post ay naiulat umano ang pag-positibo ng nabansagang “The Joker.” Bagaman lumabas na ang mga ulat ay hindi pa ito kinukumpirma ng manlalaro at ng koponan. Kumakamada ang Serbian star ng may average na 20.2 points at 10.2 rebounds ngayong season para sa Denver.


Hinggil naman kay Djokovic at sa asawa nito, nakuha umano nila ang virus nang lumahok ang tennis star sa ilang serye ng exhibition sa Serbia at Croatia.


The moment we arrived in Belgrade we went to be tested. My result is positive, just as Jelena’s, while the results of our children are negative,” saad ni Djokovic sa kanyang statement.


Inulan ng mga kritisismo si Djokovic dahil sa pago-organisa ng torneo at pagpapadala ng mga manlalaro mula sa ibang bansa kahit may nagaganap na pandemya. Nasuri rin si Viktor Troicki at buntis nitong maybahay nitong Martes na positibo sa virus, habang si three-time grand slam semifinalist na si Grigor Dimitrov mula Bulgaria ay nakakuha rin ng sakit, samantalang ang kalaro nitong si Borna Coric noong Sabado sa Zadar ay inanunsiyo rin nagpositibo nitong Lunes. Wala umanong naganap na social distancing sa mga naturang tagpo.


Everything we did in the past month, we did with a pure heart and sincere intentions,” wika ni Djokovic. “Our tournament meant to unite and share a message of solidarity and compassion throughout the region.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.