Search
  • BULGAR

NBA: Noah bagong armas ng Clippers sa pagbabalik- liga

ni ATD - @Sports | June 30, 2020




Nagpalakas at nagdagdag ng armas sa gitna ang Los Angeles Clippers matapos nilang hugutin ang serbisyo ni two-time NBA All-Star center Joakim Noah .


Ito'y bilang paghahanda na rin sa pagbabalik laro sa 2019-20 NBA season.


Inihayag ni Clippers President of Basketball Operations, Lawrence Frank, muli nilang pinapirma ng 10-day contract ang dating NBA Defensive Player of the Year (2014).

Nag-average ang 6-foot-11 na si Noah ng 8.8 points, 2.8 assists at 9.1 rebounds sa kanyang NBA career.


Bago napili ng Chicago bilang ninth overall pick noong 2007 NBA Draft, naglaro si Noah sa tatlong collegiate seasons sa University of Florida, pinamunuan niya ang Gators sa back-to-back NCAA Championships, (2006 at 2007).


Samantala, makakalaban ng Clippers sa kanilang unang laro sa pagbabalik ng 2019-20 NBA season ang Los Angeles Lakers na gaganapin sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.