Search
  • BULGAR

Napaso, 'di na raw makakapaglaro ng mobile games, todo-iyak…

MADLANG PIPOL, BUWISIT SA SOBRANG OA NI MEGAN!

ni Nitz Miralles - @Bida | June 29, 2020




May mga nao-OA-yan sa pag-iyak ni Megan Young dahil sinabihan ng asawang si Mikael Daez na hindi siya makakapaglaro ng Switch for 10 days.


“How can I play?” ang sabi ni Megan habang umiiyak sa video.


Ayun, marami ang nag-react na ang daming problema sa bansa ngayon, pero si Megan, iniyakan 'yung hindi lang siya makakapaglaro dahil napaso ng mainit na tubig habang nagbu-brew ng kape.


Puro “Ang OA!” ang nabasa naming comments, patungkol kay Megan lalo’t hindi naman daw ito bata. Pati si Mikael, nadamay sa mga comments ng netizens dahil nahawahan na raw ito ng pagiging OA ni Megan.


Sabagay, pati ang sister ni Megan na si Lauren Young, nag-comment ng “Ugh arte talaga, hahaha.”


Pero, marami rin ang dumepensa kay Megan dahil mahirap daw ang napapaso ang mga kamay, hindi ka makakilos, kaya tama lang ang pag-iyak niya, Saka, iyakin daw talaga si Megan kahit noon pa.


Anyway, pagkatapos ni Carla Abellana, si Mikael naman ang sasalang sa #LetsTalkLove na pa-video chat ng cast ng Love of My Life. Naka-schedule si Mikael sa July 3 at si Rhian Ramos sa July 10. Puwedeng magtanong at makipagkuwentuhan kay Mikael, itanong n’yo na rin kung bakit iyakin si Megan.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.