Search
  • BULGAR

Nang-rape sa Tarlac, nahuli sa Isabela

@Balitang Probinsiya | June 28, 2020



ISABELA—Isang lalaking nanggahasa ng isang babae sa Tarlac ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Quezon.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Johnny Abogadje, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na inaresto ng pulisya si Abogadje sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Tarlac.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad sa pinagtataguan ni Abogadje kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.


Samantala, hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.