top of page

Nang hiwalayan si Rico… IÑIGO, PROUD SA DESISYON NI MARIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 20, 2024


Showbiz News

Isa sa mga naging ex-boyfriends ni Maris Racal ay si Iñigo Pascual. Nag-break sila nu’ng 2018 at matagal silang walang komunikasyon dahil pumunta sa Amerika si Iñigo.


Napanood nito ang pag-amin ni Maris sa media na hiwalay na sila ni Rico Blanco matapos ang limang taon nilang relasyon.


Well, naiintindihan ni Iñigo na mahirap ang ginawang desisyon ng aktres. Nagpakatotoo siya nang piliin niya ang kapakanan ng kanyang sarili kahit na mahal na mahal niya si Rico.


Para naman sa ilang mga netizens, ang tunay na dahilan kaya nakipag-break si Maris kay Rico ay dahil na-outgrow na niya ang kanyang feelings sa nobyong singer-composer, hindi na ganu’n ka-in love si Maris.


Well, magaling namang umarte at malakas ang impact at karisma niya sa publiko. Kaya niyang sumikat na ka-level ni Kim Chiu kung kakaririn lang niya nang husto at click naman ang tambalan nila ni Anthony Jennings na MaThon. 


May ilang fans nga ni Maris Racal ang nagsasabing para lang daw “tatay” ng aktres si Rico Blanco kapag sila ay magkasama. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page