Nakatanggap ng international certification ang Manila Central Post Office
ni Fely Ng - @Bulgarific | November 4, 2022

Hello, Bulgarians! Ang pangunahing sangay ng Philippine Postal Corporation (PHLPost), Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio ay nakakuha ng ISO 9001:2015 certification kasunod ng matagumpay na pagtatatag ng Quality Management System (QMS). Ang sertipikasyon ay inisyu kamakailan ng WQA Phils Inc., isang international certification body na nagbibigay ng dekalidad na sertipikasyon para sa iba't ibang uri ng sistema ng pamamahala sa magkakaibang sektor. Ginanap noong Nobyembre 2, 2022, ang simpleng seremonya ng pagtanggap ng sertipiko na sinaksihan ng mga opisyal at empleyado ng post office sa pangunguna ni Postmaster General Norman Fulgencio.
Ito ay sumailalim sa matagumpay na 2-stage audit, na nagpapatunay kung paano ang Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio ay nagpapatakbo ng isang sistema ng pamamahala na nasuri alinsunod sa mga kinakailangan ng ISO 9001:2015 na may saklaw na “Acceptance, Processing, Dispatching and Delivery of Mails and Parcels to and from Maynila”.
“The Post Office is an important institution created by our forefathers to connect to the world through communication and it should not only be protected and sustained but also improved. We, postal workers, are guardians in ensuring that we evolve and improve the postal experience in this changing world through ISO certification and technology”, saad ni Postmaster General Norman Fulgencio. Dagdag pa niya, “This is a testament to our commitment to strengthen and continuously improve our products and services and to go beyond public expectations”.
Ang Philippine Post Office ay naglunsad ng ilang mga hakbangin upang baguhin at gawing moderno ang mga serbisyo nito na napapanahon at may kaugnayan, dahil pinapadali nito ang mahusay na paghahatid ng mga komunikasyon, pagbabayad ng mga serbisyo, pati na rin ang mga kalakal at paninda, lalo na ngayong inilipat ng mga industriya at negosyo ang kanilang operasyon sa mas modernong pamamaraan, tulad ng e-commerce at online na mga transaksyon.
“We commit to regularly review and improve our system and processes to ensure continuous compliance with the requirements of ISO 9001:2015”, ani Fulgencio.
Ang ISO o ang International Organization for Standardization ay independent, non-governmental, internasyunal na organisasyon na bumubuo ng mga pamantayan upang matiyak ang kalidad, kaligtasan at kahusayan ng mga produkto, serbisyo at sistema.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.



Comments