Search
  • BULGAR

Nakabalik na!... KRIS, BINATI NG MGA KAPAMILYA STARS SA BAGONG SHOW SA TV5

ni Nitz Miralles - @Bida | August 1, 2020




Si Gab Valenciano ang director ng Love Life with Kris, ang talk show ni Kris Aquino sa TV5 na magpi-premiere sa August 15 at 5 PM.


Bongga si Gab dahil after maidirek si Willie Revillame sa Wowowin, si Kris naman ang maididirehe niya.


Excited na ang mga supporters ni Kris na muli siyang mapanood sa TV at sa talk show pa kung saan siya magaling. Natutuwa tiyak si Kris na mabasa ang mga comments sa pagbabalik niya sa telebisyon, and so far, wala kaming nabasang negative comments, lahat ay positive.


Sinasagot din ni Kris ang mga comments sa Instagram niya, pati ang mga comments ng Kapamilya stars.


Sa “Congratulations ate!!!” na comment ni Anne Curtis, ang sagot ni Kris, “You have the absolute most adorable family.”


Sagot niya kay Kim Chiu, “Saan man ako magpunta- you’ll always be my PANGANAY.” Reply naman niya sa pagbati ni Jolina Magdangal, “Sweet of you- thoughtful ka talaga.”


Nag-congratulate rin kay Kris sina Angel Locsin, Cherry Pie Picache, Erich Gonzales, Mariel Rodriguez, Dimples Romana, Melai Cantiveros, Angelu de Leon, Miles Ocampo, Jaya, Darren Espanto, Gladys Reyes, Ogie Alcasid, at marami pang iba.


Sa nag-request na sana, i-live rin sa YouTube at Facebook ang Love Life with Kris, ang sagot ng TV host, “I’m not the producer but 'yung request mo- I have a feeling- it will be granted.”


Sinagot din ni Kris ang nag-comment na parang Misty ang dating ng teaser ng kanyang show. Inspired daw ba ng Korean drama ang hairstyle at outfit niya?


Ani Kris, maraming K drama ang nag-inspire sa kanya.


May sagot din siya sa nag-comment ng “Queen is back”.


Aniya, “As flattering as it is to be called a “queen”- if you analyze the term, she’s alone... I would prefer to be your ate or your FRIEND who won’t just talk to you BUT be ready to listen, because most of the time especially under our current circumstances, so many are lonely and scared about the future- kailangan mo ng tao who will remind you na KAYA MO PANG LUMABAN dahil bawal sumuko.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.