top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nais mag-ampon ngunit matanda na at may sakit

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2023
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 14, 2023


Dear Chief Acosta,


Ang aking apo ay naulila nang siya ay tatlong taong gulang pa lamang. Bilang lolo, nais kong ampunin ang aking apo upang ako na lamang ang tumayo bilang kanyang magulang.


Subalit, ako ay matanda na at may sakit pa. Kung aampunin ko ang aking apo, kailangan bang ako ay nasa tamang kalusugan bilang isang magulang? –Ontario


Dear Ontario,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 30 (e), Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Republic Act (R.A.) No. 11642 o mas kilala sa tawag na The Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act, kung saan nakasaad na:


“Section 32. Documentary Requirements for Application as Adoptive Parents:


Medical Certification by a duly licensed physician. The Certification should indicate that the applicant has no medical condition that prevents him/her in acting or assuming parental responsibilities and taken at least six (6) months from the time of preparation of the Home Study Report.”


Sang-ayon sa nabanggit, ang lahat ng taong nagbabalak na mag-ampon ay kailangang magsumite ng medical certification, na galing sa isang lisensyadong doktor, na nagpapatunay na ang aplikante sa pagiging adoptive parent ay walang kondisyon na makakapigil sa pagtupad ng kanyang mga responsibilidad bilang isang magulang. Ibig sabihin, kung nais n’yong ampunin ang inyong apo, kailangang kayo ay nasa tamang kalusugan upang magampanan n’yo ang mga resposibilidad bilang isang magulang.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page