Naagnas na bangkay, natagpuan
@Balitang Probinsiya | July 30, 2023
CAMARINES SUR -- Isang bangkay na naaagnas ang natagpuan kamakalawa sa loob ng isang abandonadong bahay sa Naga City sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung lalaki o babae ang nakitang bangkay dahil naaagnas na ito.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na naaagnas na sa nasabing lugar.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang sanhi ng ikinamatay ng biktima.
Nanawagan naman ang pulisya sa sinumang may nawawalang kamag-anak na magtungo sa morgue na pinagdalhan ng bangkay para kilalanin ang biktima.



Comments