Search
  • BULGAR

Na-bash dahil sa mga rebelasyon kay Piolo... BB, IE-EXCLUSIVE NA LANG ANG VLOG SA MGA MEMBERS NIYA

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 14, 2020




Magiging eksklusibo na ang mga vlogs ni BB Gandanghari sa YouTube. 'Yan ang announcement niya sa mga netizens sa kanyang vlog kahapon.


"Sa gitna ng lahat ng kaguluhang ito, at sa lahat ng maling paratang... mura, sa mga maling bintang, na nand'yang baliw, siraulo, kulang sa pansin, isinusuka ng pamilya... lahat ng mga masasakit na salita, nanggagaling pa sa mga kaibigan 'yung iba, napag-isip-isip ko na, I think this story is not for everybody," panimula ni BB.


Kaya nagdesisyon daw siya na magkukuwento na lamang ng buhay niya sa mga taong handang tanggapin ang nilalaman ng kanyang vlog.


"I have decided, because I don't wanna disclose to anyone that is far, very far from what I have imagined.


"Hindi ko rin inaasahan 'yung masasakit na salita na ibinabato sa akin, ng mismong LGBTQ community, ng Pilipinas naman. Uh, everything is really just about being proud of your gender identity, na very essence ng LGBTQ community, that love wins, 'di ba? 'Yun ang mantra ng LGBTQ community, love wins."


Paglilinaw pa ni BB, ang kuwento raw niya ay hindi about sex, hook-ups at iba pang tungkol sa kabaklaan.


"And so, my story is not about hook-ups. It's not about casual sex. It's not about homosexual acts. But it's about love that goes beyond the physical realm. That goes beyond physical attributes. Now, if still some people would tell me it's wrong, then, that's for you to say. I will continue to say my story, to talk about this love, that forever changed my life's trajectory."


Kapagkuwan ay naging emosyonal naman si BB at nag-emote tungkol sa mga bashers niya.


"And so, why am I being bashed?" tanong ni BB. "So, to spare myself, from pain (garalgal na boses), I have decided to make BB Uncut exclusive for members only. Makinig 'yung mga gustong makinig.


"I'm not for the views. If I'm for the views, I could have said more. But I'm for my story. I want my story to be told this way. And not by other people.


"I don't wanna be edited by an editor. That's why I don't wana make it a book, like a physical book. I don't wanna be edited. I wanna say what I wanna say."


At ang kasunod, tinumbok na ni BB ang inaabangang announcement niya.


"So, humihingi po ako sa inyo ng tulong. Kayong mga nakasama ko na nang matagal, samahan ninyo ako rito sa kuwento ko. Magkikita-kita tayo sa exclusive live streaming. So, thru a membership."


Ang nakakalokah, may level-level pa para maging exclusive member sa kanyang BB Uncut vlogs.


Una, need daw magbayad ng P199 for the membership. At 'yung isa naman is worth P999. Siyempre, mas mahal, mas level-up at maraming freebies na makukuha ang member dito.


Oh, ha! Kinabog ni BB ang YouTube channels ng ibang celebrities, 'di ba? Ano 'to, parang mala-Manny Pacquiao match lang na pay-per-view? (Wahhh! Para-paraan talaga ang pagkita, ganern! - JDN)


And take note, sabi niya, she's not after sa views na makukuha niya sa vlog, na alam naman natin na mas maraming views, mas malaki ang kitaan sa YouTube.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.