Search
  • BULGAR

Mula nang magpakasal kay Matteo… JUDAY, SOBRANG HAPI NA NAE-ENJOY NA NI SARAH ANG BUHAY

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 15, 2020



Proud na proud si Judy Ann Santos sa mga pagbabagong nakikita kay Sarah Geronimo ngayong isa na itong maybahay ni Matteo Guidicelli.


Nagkaharap ang dalawang “superstars” sa online conversation para sa produktong pareho nilang ineendorso at nakakatuwa naman talagang pakinggan ang mga sinasabi ni Popstar Royalty ngayong iba na ang kanyang estado sa buhay.


Kinumusta kasi ni Juday ang bagong kasal at tinanong kung may mga bagong discoveries sa buhay nito ngayon.


Sagot ni Sarah, marami siyang natutunan at nalalaman ngayon tungkol sa kanyang sarili.


“Marami akong mga nalalaman about myself na ‘Ah, ganito pala ako,’ ganito, ganyan-ganyan. May mga good, meron din na parang alam ko talaga sa sarili ko na kailangan kong ayusin, i-improve especially now na hindi ka na lang… you’re no longer your own, sabi nga nila, 'di ba? Meron ka nang kabiyak,” masayang wika ni Sarah.


“Naks! Palalim na, ha? 'Andiyan ka na, ha?” pangangantiyaw ni Juday at napahagikgik si Sarah.


Patuloy ni Popstar, “So, I guess, Ate Juday, ‘yan ang biggest challenge for me. Kasi nasanay nga tayo na tayo lang sa buhay and your family. Ngayon, meron ka nang asawa na kailangan mo ring isipin, kailangan mong alagaan.


“At the same time, huwag ding kakalimutan, ‘yung sinabi mo nga ate, ‘wag mo ring kakalimutang mahalin ‘yung sarili mo and never lose your identity as a person.


“So, ano ‘yan, parang adjustments talaga lahat and learning process sa akin.”


Ibinahagi rin ni Sarah na hindi niya nga akalaing kaya rin niyang magluto para sa kanyang asawa.


“May mga niluto ako na hindi ko akalaing maluluto ko for myself and for my husband. So, nakakatuwa. Isa rin sa mga naitulong ng sitwasyon natin ngayon ‘yung matuto ka talagang tumayo sa sarili mong mga paa, matuto talaga sa buhay,” she said.


“Grabe naman,” reaksiyon ni Juday, “para ka nang cum laude sa mga sinabi mo! Nakaka-proud ‘yung pinanggagalingan mo ng mga statements mo ngayon.


“Well, matagal ko nang hinihintay na lumabas sa bibig mo ‘yang mga words na ‘yan because it’s about time that you enjoy life and I’m so happy that you are experiencing new adventures in your life now, which is dapat naman.


“And I’m so proud of you because hindi ka na natatakot mag-try ng mga bagong bagay sa buhay mo. Totoo ‘yan, mula sa aking puso ‘yan,” sabi ni Juday.


Dagdag pa ng aktres, before ay lagi raw niyang ipinu-push si Sarah na mag-try ng bago.


“Remember before, parati kitang ipinu-push, ‘Mag-try ka ng bago. Push mo ang sarili mo.’ Ngayon, ikaw na mismo ang kusang gumagawa ng mga gusto mong gawin. Nakaka-proud ka, sweetheart. Para lang alam mo, proud na proud si ate sa 'yo,” sey pa ni Juday kay Sarah G.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.