top of page
Search
BULGAR

Muhlach family, nanawagan ng hustisya sa socmed... NIÑO, PANANAGUTIN ANG 2 GMA EXECS NA NANGHALAY DAW SA ANAK

ni Nitz Miralles @Bida  | August 1, 2024


Showbiz News
Photo: Niño Muhlach / IG

Nagpahayag ng suporta at pakikipaglaban ang Muhlach clan sa balitang nangyari kay Sandro Muhlach na unang kumalat sa X (dating Twitter) na diumano'y inabuso at hinalay ng dalawang executives ng GMA-7 sa isang hotel matapos ang GMA Gala event. 


Sinimulan ito ni Niño Muhlach sa post sa Facebook na: “Inumpisahan n’yo, tatapusin ko!”

May post din si Luigi Muhlach, anak ni Aga Muhlach, na, “Subukan n’yo kami ng gising.” 


Sinundan ito ng post ni Angela Muhlach, sister ni Niño, sa Instagram Stories na, “Our family will be the one to break the injustices all the other artists are facing! This has to stop!” at “We will fight for injustice.” May hashtag ang post niya na “#MENTOO.”


Pati misis ni Niño na si Diane Abby Tupaz, may strong message rin sa mga hindi binanggit na tao. In fact, sa mga posts nina Niño, Luigi, Angela at Diane, wala silang binanggit na mga pangalan.


“Pinalaki at iningatan naming mabuti ang aming mga anak na puno ng pagmamahal at pag-aaruga, tapos wawalanghiyain lang ng mga kung sinong tao, na nilamon ng kademonyohan sa katawan para magawa ‘yung ganu’ng klaseng kababuyan.


"Hindi kami makakapayag na hindi namin makamit ang hustisya, habang buhay na dadalhin ng anak namin ‘yung kababuyan na ginawa n’yo sa kanya! Wala kaming pakialam kung sino kayo o kung sino ang poprotekta sa inyo.


"Sisiguraduhin namin na pagbabayaran n’yo ‘yung ginawa n’yo. Hindi namin hahayaan na may mabiktima pa kayo na iba, itutuloy namin ang laban. Managot ang dapat managot! Nakakanginig kayo ng laman! #JusticeShouldPrevail.”


 

Nag-donate ng P1.5 M para sa mga biktima ni Carina… HEART, TINATAWAG NANG ‘FUTURE FIRST LADY’


Showbiz News
Photo: Heart Evangelista / IG

Nai-turn over na ni Heart Evangelista ang P1.5M donation niya sa Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI) na kanyang pinamumunuan para sa kanilang mga projects. 


Ang nasabing halaga ay galing sa kanyang vintage Hermes bag na kanyang ibinenta para makatulong.


“Turning my passion project for good. The proceeds of this #lovemariehandpaintedbags from my personal collections will continue to bless more hearts in need. Through the collective efforts of our generous donors, members of the Senate Spouses, and our other partners, may we continue to extend help to those in need,” sabi ni Heart.


Sina Ms. Kat Pimentel (wife of Sen. Koko Pimentel) at Ms. Nancy dela Rosa (wife of Sen. Bato dela Rosa) ang tumanggap ng donation. Nagpasalamat si Ms. Nancy sa pagiging generous ni Heart at marami pa ang nagpasalamat sa ginawa niya.


Sey ng mga netizens:


“I see your role as a First Lady in the future.” 


“Looking forward and praying for you to be the First Lady of the country in the future.”  


“My future First Lady.” 


“It’s happening, it’s been happening. You are going to be First Lady, I’m praying for this to be true one day.”  


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page