Search
  • BULGAR

Mt. Mayon Triathlon at Vermosa Aquathlon, tuloy sa Agosto

ni Anthony Servinio - @Sports | June 28, 2020




Kanselado na ang Clark Global City Duathlon para sa taong ito. Ayon sa organizer na Bike King Philippines, mahalaga ang kaligtasan ng lahat ng atleta at opisyal sa gitna ng krisis sa COVID-19.


Ang taunang karera ay dapat naganap noong Marso 29. Una munang ipinagpaliban ito noong Marso 11 na walang tiyak na bagong petsa.


Tatakbo ang lahat ng anim na kilometro, tapos ay magbibisikleta ng 60 kilometro at magwawakas ang karera sa isa pang takbo na apat na kilometro. May hiwalay na karera na kalahati ang distansya, 3-30-2 kilometro.


Nadamay din ng pandemya ang ibang mga karera tulad ng LeGarde L-Carnitine Triathlon sa Subic Bay na dapat ay noong Abril 19 at Vermosa Sprint Triathlon sa Imus City noong Hunyo 21. Sa ngayon ay tuloy pa rin ang Mount Mayon Triathlon 2020 itong Agosto 16 sa Legazpi City at Vermosa Aquathlon 2 sa Imus sa Agosto 30.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.