top of page
Search
  • BULGAR

Movie, ipapalabas sa iba't ibang bansa… PIOLO, INTERNATIONAL STAR NA DAHIL SA MALLARI

ni Beth Gelena @Bulgary | December 4, 2023



Malakas ang laban ng aktor na si Piolo Pascual bilang Best Actor sa parating na Metro Manila Film Festival ngayong Kapaskuhan.


Among the 10 MMFF entries, aside sa When I Met You In Tokyo ni Vilma Santos na pinag-uusapan ng mga netizens, word of mouth din ang pelikulang Mallari ni Papa P..


"Sigurado akong Best Actor si Piolo sa Mallari. Aba, trailer pa lang ng movie niya, ibang-iba na sa mga kasabayang pelikula na mapapanood sa Kapaskuhan."


Kahit naman ang inyong lingkod ay bet na bet si Papa P.. Ang tagal na ring walang entry ang actor sa MMFF.


Ani ng guwapong aktor, Dekada '70 pa raw siya may MMFF entry.


"It's almost a decade," banggit pa niya.


Come to think of it, napakabata pa ni Papa P. sa Dekada '70. Anak siya roon ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto at ni Boyet de Leon. Ngayon, sila ang magkalaban sa MMFF 2023.


First time ring gagampanan ni Papa P. ang 3 characters sa isang pelikula. Sabi nga niya sa mediacon na ginanap sa Cinema 5 ng SM Mall of Asia kamakailan na iniisip niyang tanggihan ang Mallari.


"Dahil baka hindi ko magampanan ang 3 roles sa isang movie. Pero nang mabasa ko ang project, I must admit it's a challenging role kaya hindi siya ma-turn down."


Luckily naman, ang Warner Bros. ang magdi-distribute ng Mallari.


Nag-collab ang Mentorque Productions at ang Warner Bros. para sa distribution ng movie.


Nagkaroon sila ng contract signing last November 25 sa Okada.


Present sa contract signing si Warner Bros. Pictures Distribution Director Rico Gonzales at Mentorque Productions President John Bryan Diamante.


Ang Mallari ay isang scary movie inspired by the true story of Fr. Severino Mallari, the first reported serial killer in the country. Directed by Derick Cabrido and written by Enrico Santos.


Ang Mallari kung saan ang mahusay na actor na si Piolo ang lead actor ay ang first mainstream film na idi-distribute ng Warner Brothers Pictures dito sa bansa.


"May this partnership be a gateway to more collaborations and give more opportunities for this industry,” wika ni Pres. John Bryan Diamante.


Asahang pagkatapos ng filmfest ay mapapanood na sa iba't ibang bansa ang Mallari ni Papa P kung saan daan ito para sa kanyang international/global career.


Ang Mallari ay mapapanood na sa December 25 nationwide.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page