Search
  • BULGAR

Morales, Horseowner ng Taon

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | June 24, 2020



Inihayag ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang nangungunang horseowner sa bansa ay si Atty. Narciso O. Morales na may 221 na nanalong kabayo sa loob ng 1,754 na laban.


Sa laban, 248 ang sumegunda, 219 ang 3rd place at 234 ang 4th places.


Pumangalawa si Leonardo M. Javier, nakapagtala ng panalo na 71 sa primero, 56 sa segunda, 50 sa 3rd place at 36 ang nagkamit ng 4th places.


Nakuha ang pangatlong puwesto ni Edong Diokno, na may 51 ang primero, 23 ang segunda,18 ang tersera at 9 ang 4th places.


Pang-apat na puwesto si Aristeo G. Puyat na may 383 na laban at 46 ang nanalo, 50 ang 2nd places, 39 ang 3rd places at umabot sa 43 ang 4th places.


Panglima si B.U Tecson na may 194 na laban at 48 ang 1st place, 30 ang segundo, 32 ang tersera at 21 ang 4th places.


Sumunod si M.C Habla na may 170 na laban at 28 ang panalo, 28 ang segunda, 29 ang 3rd places at 25 ang 4th places.


Nasa 7th place ang SC Stockfarm Inc. sa 72 laban at dito ay nakuha ang 21 na 1st places, 18 ang segunda,12 ang tersera at 10 ang nakakuha ng 4th places.


Nakuha ni MB Villasenior ang pang-8th place sa 238 na laban na may 30 na 1st places, 32 ang 2nd places, 28 ang nakakuha ng 3rd places at 26 ang pang-apat na puwesto.


Nasa 9th ang C & H Ent na may 9 na laban at 6 na panalo at 2 ang 2nd place kabilang ang pagkakapanalo ni Real Gold na itinanghal na Top Earning Horse of the Year na kumita ng P7.4 milyon.


Nakuha ang 10 puwesto ni Dichaves Jac sa 216 na laban na may 36 na panalo, 26 na segunda, 24 na tersera at 25 na 4th places.


Ang iba pang nasa top 20 ay sina WT Tan, Johhny Tionloc, N.M Magno, AK G.Castro, Tony Tan, Benhur Abalos Jr, William M. Afan Jr., JAS Rabano, Eduardo E. Gonzalez at si P.L. Aguila.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.