Search
  • BULGAR

MONCHING, AMINADONG NAGBABATO NG PLATO 'PAG GALIT

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 25, 2020




Umiyak si Janie Gutierrez habang iniinterbyu ang kanyang ama na si Monching Gutierrez para sa kanyang Father's Day treat for her vlog sa YouTube noong Sunday.


Imbes na si Monching ang maiyak sa kanyang pa-Father's Day surprise ay 'di napigilan ni Janine ang humagulgol habang inaalala niya ang mga pagkakataon na sinagip siya ng ama sa mga "gipit" na sandali sa buhay niya.


"He's a dot dad," biro ni Janine kay Monching habang namumula na ang kanyang mata.


"It's okay lang if your papa's crazy. Minsan he's masungit. Minsan he throws away 'yung mga plates. Hahaha!" pag-aalo ni Monching kay Janine.


"Yeah, minsan, nagdadabog din siya. And when I was a kid, he always get mad kapag nasusugatan ako or nadadapa. I was like, 'Why he's getting mad, eh, nasugatan na nga ako?' And then, when I get older, I'm kinda like him rin," kuwento ni Janine.


Pagkatapos nito, binati niya si Monching ng Happy Father's Day at saka tuluyan nang umiyak. Niyakap naman siya agad ni Monching sabay subsob ni Janine sa dibdib ng kanyang ama.


"But Papa will rescue in any situation," umiiyak na sabi ni Janine.


Gaya na lang daw nu'ng may taping siya sa Bulacan at naiwan niya ang susi ng kanyang kotse, agad daw siyang pinuntahan ni Monching sa Bulacan at may dalang pagkain in the middle of the night.


"Even now, he will buy me the big Wilkins kasi wala roon sa condo ko," sabay pahid ni Janine sa mga luha niya.


Tinanong din ni Janine si Monching what happened nu'ng ipinanganak siya ng mommy niya na si Lotlot de Leon.


“So, the day you were born, we were waiting, matagal kasi dapat normal 'yung delivery, tapos ang tagal-tagal na hindi ka pa lumalabas. They made caesarian. When I saw the blood, ‘Labas na po ako,’" pag-alaala ni Monching.


Dagdag pa niya, “I didn’t see you come out. I got scared because of the blood. First there was no blood, so okay lang. And then it became all blood. I went to New Manila, I took a shower. When I got back, you were born na."


Sinagot din ni Monching ang tanong ni Janine kung may plano ba siya na mag-asawa ulit gaya ni Lotlot na nagpakasal sa isang foreigner na businessman na si Fadi El Soury noong December, 2018.

“No. I’m sanay na to be binata, tapos with you lang. Okay na,” he said.


Naikuwento rin ni Monching kung paano nalaman ng famous parents nila ni Lotlot na buntis na ang aktres kay Janine when they were boyfriend-girlfriend pa lang.

That time, isinu-shoot nina Lotlot at Monching ang blockbuster movie nilang Tiyanak sa direksiyon ng yumaong si Peque Gallaga.


Kaya biro ni Janine, siya raw 'yung 'tiyanak' na nasa womb ni Lotlot that time.

Anyway, ang unang sinabihan ni Monching na buntis si Lotlot kay Janine ay walang iba kundi si Eddie Gutierrez bago sa inang si Pilita Corrales.


Pinakanahirapan daw si Monching na sabihan ay ang ina ni Lotlot, ang Superstar na si Nora Aunor.


At nu'ng sinabi na ni Monching na buntis si Lotlot, napaka-cool daw ni Nora. She even advised them na kung 'di pa sila ready to get married, okay lang.

Pero mas gusto na raw talaga nina Lotlot at Monching na magpakasal noon.

"Oo, true love," diin pa ni Monching.


Malamang ay mahal na mahal pa rin ni Monching si Lotlot kaya sinabi niya kay Janine na ayaw na niyang mag-asawa ulit.


Samantala, excited na ang mga fans ni Janine na mapanood ang movie nila ni Paulo Avelino titled Ngayon Kaya produced by Rex Tiri under his film outfit T-Rex Entertainment and directed by Prime Cruz.


Supposed to be, palabas na siya last April during the first Summer Metro Manila Film Festival. Pero dahil sa covid-19 pandemic ay 'di pa matiyak kung maipapalabas ito this year.


Hopefully, humupa na ang pesteng virus na 'to at mabuksan na muli ang mga sinehan.

Excited pa naman kaming mapanood ang Ngayon Kaya dahil sa kakaibang kuwento ng love story ng mga characters nina Janine at Paolo sa pelikula.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.