Search
  • BULGAR

Mocha, “nganga” sa problema ng mga OFWs kaya kung may natitira pang delicadeza...

dapat mag-resign na sa OWWA!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 26, 2020



KUNG MAY DELICADEZA SI MOCHA, DAPAT MAG-RESIGN NA SIYA—Para mabuhay sa Middle East, ang ginagawa ng mga OFWs na nawalan ng trabaho dulot ng krisis ay mamulot ng makakain sa mga basurahan at magbenta ng dugo sa mga kinaroroonan nilang bansa.


Sa hirap ng buhay na nararanasang ng mga OFWs, may ginawa bang aksiyon si OWWA Deputy Administrator Mocha Uson para tulungan sila? Wala!


Kaya kung may natitira pang delicadeza itong si Mocha, dapat mag-resign na siya sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Sayang lang ang higit P150K monthly na ipinasusuweldo sa kanya ng taumbayan, boom!

◘◘◘

VP LENI, HABANG TUTOK SA PAGTULONG, GINAGAWAN PA NG FAKE NEWS—Nagpalabas ng statement ang Diliman Doctors Hospital na “fake news” lang ang kumakalat na balita sa social media na nagpadala ng panis na pagkain sa kanilang ospital ang Office of the Vice-President (OVP).


Ganyan kasalbahe ang mga DDS bloggers kasi tutok si VP Leni sa pagtulong sa mamamayan ngayon panahon ng krisis dulot ng COVID-19, eh, ginagawan pa siya ng fake news.


Sa isyung ito, dapat tuluyan nang kasuhan ni VP Leni ang mga nagpapakalat ng pekeng balita laban sa kanya kasi kung dededmahin lang niya ang mga ito ay hindi talaga siya tatantanan ng mga mapanirang ‘yan, period!


◘◘◘

BOLADAS LANG PALA ANG “MALASAKIT” NG DUTERTE GOV’T. SA MGA OFWs—Sabi ni Sec. Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE), walang plano ang pamahalaan na kunin para iuwi sa Pilipinas ang 353 OFWs na namatay kung saan 107 dito ay COVID-19 ang ikinamatay sa Saudi Arabia.


Dahil d’yan, ngayon lang napagtanto ng mga OFWs at pamilya ng mga OFWs na namatay sa Saudi Arabia na boladas lang ng Duterte gov’t. na may malasakit ito sa kanila.


Kung totoong nagmamalasakit ang Duterte gov’t, sana ay gumawa sila ng paraan na maiuwi ang mga bangkay ng mga Pinoy at hindi hinayaang sa ibang bansa mailibing ang mga ito, period!

◘◘◘

PAGBABAYAD NG TAX NG MGA POGO, FAKE NEWS!—Ibinulgar ni Sen. Joel Villanueva na may mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na pagmamay-ari ng mga Chinese ang nag-operate na bansa kahit hindi pa nagbabayad ng utang na buwis sa pamahalaan.


Kung ganu’n, fake news lang pala ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi makapag-o-operate ang mga POGO hangga’t hindi nagbabayad ng utang na tax sa gobyerno? Buwisit!


◘◘◘


AKALA NG MGA DDS, GUILTY SA KASO ANG TITSER NA NAGPATONG NG P50-M SA ULO NI P-DUTERTE, ABSUWELTO PALA!—Sa unang pagdinig pa lang sa korte sa kasong inciting to sedition na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban kay Ronnel Mas, ang guro na nag-post sa social media na mag-aalok ng P50-M sa sinumang makakapatay kay P-Duterte ay agad itong dinismis ng huwes sa kadahilang inaresto ito ng walang warrant of arrest at sa kakulangan ng ebidensiya laban sa titser.


Sakit sa dibdib ng mga DDS ang desisyong ‘yan ng korte kasi naglulundag pa naman sila sa tuwa nang dakpin at kasuhan si Ronnel, ‘yun pala ang ending ay absuwelto ito sa kaso, boom!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.