Search
  • BULGAR

MJCI, Racing Club ng Taon at 47th PCSO Pres'l Gold Cup, Racefest of The Year

Updated: Sep 9

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | June 25, 2020



Kinilala ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang Manila Jockey Club Inc.(MJCI) bilang Racing Club of the Year makaraang magtagumpay sa kampanya noong 2019.


Itinanghal na may total gross sales of the day at Total Amount of horse Prizes. Most Successful Racing Festival of the Year ang 47th PCSO na pinagwagian ni Super Sonic.


Naging matagumpay ang karera sa MJCI na tagapamahala ng San Lazaro Leisure Park (SLLP) nang kumita ng malaki ang Presidential Gold Cup.


Dahil doon itinanghal na Racing Club of the Year ang SLLP nang nakamit ang dalawang pagkilala ng Philracom.


Ang Supersonic na sinakyan ni star jockey Jesse B. Guce ay pag-aari ni Leonardo Javier, Jr., pumangalawa ang Pangalussian Island.


Tinanggap ni Mr.Javier ang premyong P3 milyon. Ang kabayong Super Sonic ay sinasabing maganda ang ipinakitang takbo sa PGC at malamang na sumali sa susunod ng laban sa 2020 PCSO PGC sa Disyembre.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.