Search
  • BULGAR

Miyembro ng PhilHealth, walang dapat ikabahala sa benepisyo

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | August 25, 2020




Hello, Bulgarians! Binibigyang-diin ng PhilHealth na patuloy ang pagbibigay ng mga benepisyong-medikal sa lahat ng miyembro nitong mangangailangan ng pagpapagamot lalo na ngayong may pandemya.


Hindi rin dapat mangamba ang publiko na mahihinto ang kanilang benepisyo sa gitna ng suspensiyon ng ilang opisyal at sa patuloy na hearing sa Kongreso sa umano’y katiwalian sa ahensiya.


Nais din naming linawin na ang preventive suspension na ipinataw kamakailan ng Ombudsman sa ilang opisyal ay hindi konektado sa mga isyu ng katiwalian na kasalukuyang dinidinig sa Kongreso.


Ang mga ito ay kaugnay sa reklamong “grave misconduct, oppression and conduct prejudicial to the best interest of the service” ng ilang regional officers para sa mga kasong administratibo laban sa kanila na isinampa noong mga 2017 hanggang 2019.


Patuloy na makikiisa at tutulong ang PhilHealth sa lahat ng awtoridad na nag-iimbestiga para sa katotohanan.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.