Search
  • BULGAR

Miyembro ng MILF, niratrat ng MNLF

@Balitang Probinsiya | June 24, 2020



MAGUINDANAO—Isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang napatay nang pagbabarilin ng mga kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) kamakalawa sa Bgy. Macaguiling, Sultan Kudarat.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Sulaiman Macauyag, miyembro ng MILF na nakabase sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, sinalakay ng mga miyembro ng MNLF ang bahay ni Macauyag at pinagbabaril ang biktima.


Nang gumanti ng putok ang mga kasamahang MILF ni Macauyan ay mabilis na tumakas ang mga kasapi ng MNLF.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang pagkakakilanlan ng mga miyembro ng MNLF na nakapatay sa biktima.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.